Friday, September 17, 2004

My! Busy weekends coming up for me, from tomorrow until November, I think... how do you focus and put yourself in order when you don't really have time for yourself?

Matagal na din ako dito, almost three years, pero hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ako nandito OR anong ginagawa ko dito. nakakapanibago pa din kapag minsan habang nakatayo ako sa lobby at nag-iintay ng elevator, puro english-speaking o conversations ang naririnig ko, ibat-ibang itsura ng mga tao, me puti, me maitim, me singkit, almond-shaped, or round ang mga mata, me kulot ang buhok, merong una't na unat, at marami din walang buhok. Pero lahat sila ay "foreigner" para sa akin.. o kaya naman minsan nagugulat ako na naglalakad ako sa Yonge St., sa Front St. or sa Bay St., kasabay ng mga taong di ko kilala (siempre), at tatanungin ko ang sarili ko "nasa Toronto" nga ba ako? maraming nagsasabing maswerte ako dahil di ako mashadong tinamaan ng racial discrimination, iilan lang nga ba sa mga kakilala ko at wala sa mga kamag-anak ko ang nagta-trabaho sa downtown? sa isang malaking business na gaya ng TD Bank? wala o kokonti lang kami. swerte nga ba ako? ewan, di kasi ako naniniwala sa swerte... naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari sa atin ay pre-destined, pero dahil binigyan tayo ng Diyos ng free will, minsan naiiba tayo ng pinupuntahan...

Bakit nga ba ako napunta dito? Kasi sa Pilipinas, sampung taon na akong nagta-trabaho wala pang nangyayari sa buhay ko. Ang gaganda nga ng trabaho ko, pero di ko naman mabuhay ang sarili ko, pati na ang nanay ko.. eh sino ba namang mag-aakalang makakapunta pala sa France ang ate ko at darating ang panahon na makakayanan na rin nilang pag-aralin ang mga anak nila at di na nila kelangan ng tulong ko?!! okay lang na nakatulong ako sa kanila, and okay na okay na finally, hindi na sya pasanin para sa akin at sa nanay at mga kapatid ko, tinutulungan ko pa din sya at pinag-aaral ko pa din ang isang anak nya, pero at least pwede na akong tumanggi. sa wakas! Ano ngayon ang difference na nandito na ako? well, financially ayos lang... me pang-shopping na ang nanay ko, nakatira na sya sa sarili nyang bahay (oopss! inuupahan lang pala!), at di na sya namo-mroblema kung paano pagkakasyahin ang pera nya. "Financially blessed" na kami ngayon ng nanay ko... yun lang! paano naman ako?? ang layo ko sa mga pamangkin ko... sila lang ang happiness ko nung nasa Pilipinas ako, nalayo pa... eh ano naman ang mangyayari kung kasama ko nga sila, naghihirap naman kami? sige na nga, yun na lang lagi ang iisipin ko, tutal di naman sila ang mga anak ko, okay lang na magkalayo kami, at least me nahihingian sila ng pera kapag me gusto silang bilhin o kapag birthday nila... dati 100 pesos lang binibigay ko, ngayon 500 na nagrereklamo pa...

sana makapulot ako ng pera, dollar pa.....